Tuesday, March 24, 2020

COVID19 Symptoms Tagalog Version

Ang Coronavirus Disease 2019 (COVID19) ang kinatatakutang epidemya o sakit na kumakalat ngayon sa buong bansa. Ang sakit na ito ay nanggaling sa China at kumalat na sa buong mundo. Ayon sa pinakahuling balita (Marso 24, 2020), 501 katao na sa Pilipinas ang nadapuan na ng COVID19 at 33 katao na ang namatay sa sakit na ito.

Inaasahan pa na dadami pa ang Pilipino na madadapuan ng COVID19 at marami pa ang mamamatay. Dahil dito, ang gobyerno ay nagdeklara ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon at nagdeklara na rin ng kanya-kanyang community quarantine ang bawat probinsya at mga bayan. Dahil sa community quarantine, pinagbawalan na ang operasyon ng pampublikong mga sasakyan tulad ng bus, jeep, at traysikel. Ipinagbawal na din ang pagbyahe ng mga eroplano at barko.

Marami sa atin ang natatakot na madapuan ng COVID19. Kaya ang tanong ng marami ay paano malalaman kung ikaw o ang mahal mo sa buhay ay meron nang COVID19. Ano ng ba ang symptoms o sintomas ng COVID19? Heto ang impormasyon mula sa Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health):

Sintomas ng COVID19
(Source: DOH)


Ang symptoms o sintomas ng COVID19 ay:

1. Lagnat
2. Ubo’t sipon
3. Hirap ayt pag-iksi ang paghinga
4. Iba pang problema sa daluyan ng hangin.

Kapag malubha na ang COVID19 ay maaari ka nang magka-pulmonya (pneumonia) at acute respiratory syndrome. Pwede ring maging sanhi ng kamatayan ang COVID19.

Kapag nakaramdam ka ng mga sintomas na ito, ikaw ay pinapayuhan na magpunta agad sa ospital para matingnan kung ikaw ay may COVID19.

Para makaiwas sa COVID19, ikaw ay dapat sumunod sa pinatutupad ng gobyerno na community quarantine at social (physical) distancing. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan. Panatilihing malusog ang katawan at kumain nang tama at masustansyang mga pagkain. Ugaliin din na maghugas ng mga kamay at panatilihing malinis ang iyong katawan at tahanan.

No comments:

Post a Comment

Do you have questions, violent reactions or just plain ol' comment? Leave them here! Just leave a comment and I will reply to them.

You can also send me a private message through the email form.

Note to spammers, scammers, and trolls, I reserve the right to delete comments. So don't waste your time flooding my blog with your comments because I will not allow it to show on the blog.

Also visit my my personal and travel blog:

Before the Eastern Sunset -