Wednesday, February 24, 2021

Paano Tingnan Online ang Payment History ng Iyong Pag-IBIG Housing Loan

Isa sa mga pinag-aalala ko tuwing magbabayad ako ng housing loan ay yung kung totoo bang natanggap ng Pag-IBIG yung ibinayad ko. Madalas akong nagbabayad sa Bayad Center, na isa sa maayos na payment center. Yun nga lang, hindi pa rin nawawala ang aking pag-aalala.

Buti na lang at natuklasan ko ang pag-tsek o pagtingin ng aking payment history sa online sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Pag-IBIG Fund.

Narito ang paraan para makita ninyo ang payment history ng iyong Pag-IBIG housing loan sa online:

1. Puntahan ang Online Housing Loan Verification page sa Pag-IBIG Fund website sa link na ito.

2. I-type ang iyong Housing Loan number at iba pang detalye. Tapos pindutin o i-click ang "Proceed" button.

Pag-IBIG Online Housing Loan Verification



At lalabas na ang payment history ng iyong housing loan.

Ang payment ay pwede ma-save o ma-download sa iyong kompyuter o celphone. 

Pwede mong gamitin ang payment history para i-tsek kung natanggap nga ng Pag-IBIG Fund ang mga ibinayad mo. Makikita mo ein sa payment history kung tamang amount ba ang natanggap ng Pag-IBIG Fund.

Kung may makitang mali sa payment history ay tawagan mo agad ang Pag-IBIG Fund.

No comments:

Post a Comment

Do you have questions, violent reactions or just plain ol' comment? Leave them here! Just leave a comment and I will reply to them.

You can also send me a private message through the email form.

Note to spammers, scammers, and trolls, I reserve the right to delete comments. So don't waste your time flooding my blog with your comments because I will not allow it to show on the blog.

Also visit my my personal and travel blog:

Before the Eastern Sunset -